TAWAGIN nyo na lang po ako sa pangalang Salde. Base po sa records ng SSS, ako po ay may tatlong magkakaibang numbers. Nagagalit na po ang opisina namin dahil hindi nila ako mahulugan ng SSS.
Ano po kaya ang dapat kong gawin para matanggal iyong dalawa kong numbers. Sabi ng opisina tatanggalin nila ako kapag hindi ko pa naayos ang SSS ko dahil sila din ang mapuputukan ng SSS kapag hindi nila ako nahuhulugan.
Salde
REPLY: Ito ay bilang tugon sa email ng SSS member na si Salde na nagtatanong kung ano ang dapat niyang gawin sa kanyang tatlong SS numbers.
Sayang po at hindi nabanggit ng miyembro ang kanyang kumpletong pangalan at ang kanyang mga SS numbers para sana ay maiberipika ang kanyang records.
Pinapayuhan namin si Salde na magsadya sa pinakalamapit na tanggapan ng SSS upang hilingin ang pagkansela ng iba sa kanyang mga numero. Kailangan niyang magdala ng certified true copy ng kanyang birth certificate at dalawang valid IDs. Isa lamang sa tatlong number na ito ang matitira at anumang mga contributions na naihulog sa bawat number ay pagsasamasamahin sa matitirang number.
Nais po namin hikayatin ang mga member na may ganitong problema na magsadya sa SSS office para ito ay maisaayos, para rin hindi ito maging dahilan ng pagkaantala ng pagpoproseso ng kanilang benepisyo sa sandaling ito ay kanilang kailanganin.
Para sa mga katanungan ng ating mga miyembro, maaari din po silang mag-email sa member-relations@sss.gov.ph o tumawag sa call center 920-6446 hanggang 55.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni Salde.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.