Sabrina M. ikakanta ang mga artistang sangkot sa droga

sabrina m

SINABI ni Quezon City Police District (QCPD) Director Senior Supt. Guillermo Eleazar na nakikipagtulungan ang dating sexy star na si Sabrina M. sa mga pulis para matukoy ang mga artista na bumibili ng droga mula sa kanya.
“[Her arrest] should serve as an eye opener to everybody that our campaign against illegal drugs is regardless of [one’s] social status in life,” sabi ni Eleazar.
Idinagdag ni Eleazar na inaalam na kung gaano katagal na nagtutulak ng shabu si Sambrina M., o Karen Salas Palasigui sa tunay na buhay, at kung saan niya ito kinukuha at sino-sino ang kanyang mga kliyente.
“The former starlet has been cooperative in providing them information on her celebrity clients,” aniya.

Sinabi ni Eleazar na umaasa ang pulisya na lalabas na ang iba pang mga artista na sangkot sa droga matapos ang pagkakahuli ni Sabrina M.
Naaresto si Sabrina M. sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City ganap na alas-11:45 ng gabi noong Linggo, kasama ang dalawang iba pa.
Kabilang sa mga pelikula ni Sabrina M. ay ang “Masarap ang Unang Kagat” at “Favorite Subject: Sex Education,” na kapwa ipinalabas noong 1990s.

Read more...