Ang ingratong ambassador ng Bangladesh

NAGPASALAMAT ang Bangladesh Ambassador to the Philippines na si John Gomes sa gobiyerno at sa INQUIRER sa pagkakabalik ng $15 million sa $81 million na ninakaw ng mga hackers sa Bangladesh central bank.

Ang ninakaw na pera ay napunta sa Jupiter branch ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC).

Pinasalamatan ni Gomes ang INQUIRER dahil sa scoop nito sa cyber bank robbery.

Kung hindi raw sa INQUIRER, hindi malalantad ang cyber crime na involved ang RCBC.

Pero mukhang walang utang na loob si Mr. Ambassador.

Hindi niya pinasalamatan si Kim Wong, isang junket operator, na nagsauli ng $15 million.

Ang malaking halaga ay ibinigay ng kliyente ni Wong sa kanya bilang bayad sa mga pautang nito sa kanya.

Nang malaman ni Wong na nakaw ang pera, hindi na siya nag-dalawang isip na isauli ang pera.

“Kahit na maghirap kaming pamilya, dapat isauli ang perang alam na namin na nakaw pala,” ang sabi sa akin ni Kevin, anak ni Kim Wong.

Kung ibang tao si Kim Wong, malamang ay hindi niya isinauli ang malaking halaga.

Maraming abogado na nagsabi sa kanya na siya’y tanga dahil isinauli niya ang pera. Kahit na raw dumating pa sa korte ang kasong money laundering na tiyak na
isasampa sa kanya, walang mangyayari sa kaso dahil hindi naman siya kasali sa pagnanakaw.

Dahil ibinayad lang sa kanya ang pera at wala naman siyang pakialam sa ginawang nakawan, puwede raw ipaglaban niya ito sa korte.

At kung wa-is si Kim Wong, susuhulan niya ang huwes na hahawak ng kaso at tiyak na madidismiss ang kaso laban sa kanya.

Noong 1976 kasi, isang mag-asawang Pilipino ang dinemanda ng Mellon Bank sa US dahil nagkamali ang bangko na lagyan ang account ng mag-asawa ng $1 million.

Ang halagang $1 million ay napakalaki na noong mga panahong yun.

Dinemanda ang mag-asawa pero kumuha sila ng magaling na abogado.

Walang kinahinatnan ang kaso, sa aking pagkakaalam.

(Reporter na kasi ako ng mga panahong yun)

Pero hindi ganyan ang pagkatao ni Kim Wong.

Nakilala ko si Kim noong siya’y 16 years old at ako naman ay isang police reporter.

Madalas akong mag-istambay sa club na pinagtatrabahuan ni Kim sa Ermita, Manila.

Isa siyang maliit na empleyado sa club na yun, pero ang sinabi ng Intsik na may-ari ng clug si Kim ay mapagkatiwalaan sa pera.

Noon ding mga panahon na yun, inuutusan ko si Kim na bumili ng sigarilyo sa labas kapag nawalan na ng sigarilyo sa loob ng club.

Ganoon ang pagkakakilala ko kay Kim.

Kaya’t hindi ako nagtaka nang malaman ko na isinauli ni Kim ang pera nang malaman niyang nakaw ito.

Ibinigay ni Kim ang pera sa ating gobiyerno upang maisauli sa Bangladesh government.

Ang hindi pagpapasalamat kay Kim ni Bangladesh Ambassador Gomes ay tanda ng hindi pagpapahalaga sa honesty ni Kim.

“Di bale na, Kuya, basta isinauli ko ang perang hindi sa akin,” sabi ni Kim sa inyong lingkod.

There are two magic words in the English language: Please and Thank You.

Ang paggamit ng “thank you” at “please” ay tanda ng good breeding.

Apparently, si Ambassador Gomes ay walang breeding.

Hindi porke mataas ang iyong posisyon sa buhay ay ibig sabihin ay may good breeding ka.

Ang good breeding kasi ay hindi pinag-aaralan sa eskuwela; ito’y natututunan sa bahay o sa iyong mga magulang.

Obviously, walang breeding ang mga taga Bangladesh dahil walang breeding ang kanilang ambassador.

Read more...