Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
2 p.m. Arellano U vs CSB-LSGH (jrs)
4 p.m. Arellano U vs San Beda (srs)
TAPOS na ang elimination round ng 92nd NCAA men’s basketball tournament pero may paglalabanan pa ngayon ang San Beda College at Arellano University.
Tinapos ng Red Lions at Chiefs ang eliminasyon ng liga na tabla sa unang puwesto na parehong may 14-4 kartada. At para malaman kung aling koponan ang ookupa sa number one spot papasok sa Final Four ay magtutuos ngayong alas-4 ng hapon ang San Beda at Arellano.
Ang mananalo sa labang ito ay makakasagupa ang Perpetual Help Altas (11-7) at ang matatalo naman ay makakatapat ang Mapua Cardinals (12-6).
Anuman ang kahinatnan ng labang ngayon ay magkakaroon pa rin ng twice to beat incentive ang Red Lions at Chiefs sa Final Four na magsisimula ngayong Biyernes.
Tinalo ng San Beda ang Arellano U, 91-81, sa huli nitong laro sa elims para makahirit ng playoff para sa number one seed.
Sa nakalipas na 10 season ng liga ay laging nagtatapos na nasa top spot ang San Beda sa elims.
“I’m just new here as a coach and I know its a school tradition,” sabi ni Jamike Jarin na nasa kanyang ikalawang taon bilang head coach ng San Beda.
Para naman sa Arellano, pagkakataon na nilang ipakita na kaya nilang manguna sa torneyo matapos ang ilang beses na nabitawang pagkakataon kabilang ang naunsiyami nitong tsansa na makamit ang kampeonato noong isang taon.
“Ngayon namin dapat paniwalaan ang aming mga sarili na kaya namin talunin ang sinuman na aming makakalaban,” sabi ni Arellano coach Jerry Codinera.
“It would be nice to play in the Final Four coming from a win,”
Kontra Arellano, sinandigan ng Red Lions si Jayvee Mocon na nagtala ng 19 puntos at 15 rebounds habang nag-ambag si Davon Potts ng 18 puntos at si AC Soberano ng 15 puntos para sa San Beda.
“It would be nice to play in the Final Four coming from a win,” aniya
Sa isa pang laro ngayon, magsasagupa ang Arellano U and La Salle-Greenhills alas-2 ng hapon para sa No. 3 seeding ng juniors division.
Tinapos ng Arellano at La Salle ang elims na kapwa may 13-5 record at ang mananalo ay mananalo sa labang ito ay makakasagupa ang No. 2 Mapua (15-3) habang ang mabibigong koponan ay haharap sa No. 1 San Beda (17-1) sa Final Four. —Angelito Oredo
No.1 seed target ng Lions, Chiefs
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...