Perlas Pilipinas winalis ang SEABA Women’s

perlas, fiba

KAHIT matalo pa ang Perlas Pilipinas sa huli nitong laban kontra Thailand Linggo ng gabi ay sigurado na itong magka-kampeon sa SEABA Women’s Championship.
Gayunman, tinapos pa rin ng mga Pinay ang torneyo na walang talo matapos na manaig sa Thailand, 72-52, sa Bukit Serendit Indoor Stadium, Malacca, Malaysia.
Lumamang ang Thailand sa pagtatapos ng unang quarter, 16-13, pero sinagot ito ng 12-2 rally ng mga Pinay sa pangunguna ni Afril Bernardino.
Mula rito ay hindi na lumingon pa ang Perlas Pilipinas na naghulog pa ng 17-3 bomba para makuha ang 57-40 bentahe sa third period.
Nanguna para sa Perlas Pilipinas si Allana Lim  na may 15 puntos at apat na rebounds habang si Bernardino naman ay nag-ambag ng double-double output na 14 points at 11 boards.

“We haven’t beaten Thailand for a long time. I think  it’s one way of motivating them and ending the tournament on a winning note,” sabi ni head coach Patrick Aquino.
Ito ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa SEABA women’s matapos na manaig ang bansa noong 2010. —Angelito Oredo

Read more...