Valeen Montenegro sexy na, may sense of humor pa

valeen montenegro

“SEXY na, may sense of humor pa”. Ito ang pambatong kombinasyon ng Kapuso actress-TV host na si Valeen Montenegro.

Noong isang taon lang naging ganap na Kapuso si Valeen pero bumida na agad siya sa iba’t ibang mga programa ng network. Isa si Valeen sa mga host ng weekly variety noontime show na Sunday PinaSaya.
Kabilang din siya sa sexy group na “Bubble Shakers” ng longest running gag show on TV na Bubble Gang.

Ngunit bago nakilala sa mundo ng telebisyon, marami ring pinagdaanang sakripisyo ang dalaga noong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang career.

At sa kabila ng pagiging abala sa showbiz, nagawa pa rin pala ni Valeen na makapagtapos ng kursong Fashion Design. Talagang kinarir daw niya ang pag-aaral kahit na napakahirap nitong gawin sa tulad niyang abala sa showbiz.

Ano-ano pa nga ba ang hindi alam ng marami tungkol kay Valeen Montenegro? Tunghayan ang kuwento ng kanyang Tunay Na Buhay bukas kasama si Rhea Santos, after Saksi sa GMA 7.

Read more...