Bakbakang Amihan-Pirena sa Encantadia humataw sa rating

encantadia sanggres

PATULOY na tumataas ang rating ng fantaseryeng Encantadia base sa huling resulta ng AGB Nielaen survey (mula Sept. 10 to 16) sa Urban Luzon.

Ayon sa latest data, may mga araw na natatalo na ng Encantadia ang mga kalaban nitong programa sa ibang TV networks.

Noong Sept. 16, nakuha ng nasabing GMA Telebabad series ang pinakamataas na rating simula nang umere ito noong Hulyo with 27% rating. Ito yung eksena kung saan nagkaroon ng matinding labanan sina Amihan (Kylie Padilla) at Pirena (Glaiza de Castro).

Read more...