SINABI ng Palasyo na aalamin nito sa Philippine National Police (PNP) kung may listahan nga ito ng mga pangalan ng mga artista na sangkot sa droga.
Sa isang panayam, idinagdag ni Communications Secretary Martin Andanar na wala siyang direktang impormasyon kaugnay ng mga nasa showbiz na gumagamit at tulak ng droga.
“Aalamin natin sa Philippine National Police. Iyan po ay narinig ko rin po. I heard it through the grapevine but for me to say that I have direct knowledge, kung meron ganon, wala po,” sabi ni Andanar.
Nauna nang napaulat na may isinumiteng listahan ang PNP kay Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pangalan ng mga artista at iba pang nasa mundo ng showbiz na sangkot din sa iligal na droga.
Tinutulan naman ng aktor na si Robin Padilla ang pagsasapubliko ng listahan ng mga artistang sabit sa droga.
MOST READ
LATEST STORIES