5 patay sa sunog sa Tayabas City

quezon

PATAY ang lima katao, kasama ang apat na mga bata matapos matupok ang limang bahay sa dalawang oras na sunog sa Tayabas City, kagabi.

Sa ulat mula sa public information office ng Quezon provincial police, sinabi nito na nagsimula ang sunog sa bahay ni Virgilyn Chavez Rey at kumalat sa apat na iba pang bahay sa Sitio Walang Diyos sa Barangay Lalo ganap na alas-10 ng gabi.

Sinabi ng mga bumbero at mga rescuer na natagpuan ang katawan ng mga biktima na sina Joana Marie Durante, 28; Paul Jake Durante Rey, 5; Diserie Durante Rey, 7; Julian Audrey Rey Balabies, 3; at John Lloyd Rey Balabies, 12, sa loob ng isa sa mga bahay matapos maapula ang sunog makalipas ang hatinggabi.

Sinabi ni Fire Officer 1 Cristina Hermia, ng Tayabas City fire station na inaalam pa ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog.

Read more...