DLSU Green Archers naka-5 sunod na panalo

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UP vs FEU
4 p.m. NU vs UST
Team Standings: La Salle (5-0); Adamson (3-2); Ateneo (3-2); NU (2-2);  FEU (2-2); UST (2-2); UP (1-3); UE (0-5)

PINALAWIG ng De La Salle University Green Archers ang kanilang pagwawagi sa limang sunod na panalo matapos durugin ang Adamson University Soaring Falcons, 91-75, para mapanatili ang malinis na kartada sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Muling bumida para sa La Salle ang rookie sensation nitong si Ben Mbala na muling nag-poste ng double-double sa itinalang 21 puntos at 16 rebounds na nilakipan pa niya ng apat na steals at tatlong blocks habang si Jeron Teng ay nag-ambag ng 15 puntos. Si Aljun Melecio ay nagdagdag ng 13 puntos habang si Kib Montalbo ay nagpakita ng all-around game sa itinalang 12 puntos, walong rebounds at anim na assists para sa Green Archers.

“That’s the kind of system I want to go up against,” sabi ni La Salle coach Aldin Ayo. “They’re disciplined, structured. It very well fits my system of mayhem. That’s the kind of opponent I want.”

“I can say that, if I would rate my team now, we’re just at 70, 75 percent,” sabi pa ni Ayo. “We started [the season] very low against FEU. We were just at 15 percent, there’s also the rust factor. But the good thing is every game, we’re still improving.”

“They played their best game so far this season and we played our worst game of the season, it’s as simple as that,” sabi naman ni Adamson coach Franz Pumaren na ang koponan ay nahulog sa
3-2 kartada.

Ang kapatid ni Pumaren na si University of the East coach Derrick Pumaren ay hindi rin nasiyahan matapos na durugin ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang walang panalo na Red Warriors, 84-69, sa ikalawang laro.

Kumamada si Anton Asistio ng 21 puntos, 12 mula sa 3-point range, para tulungan ang Blue Eagles na makabawi matapos na sayangin ang kanilang double-digit na kalamangan sa laro.

Read more...