Mr. Mahiyain (2) | Bandera

Mr. Mahiyain (2)

Joseph Greenfield - September 25, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Edwin ng South Vill Country Homes, Ma-a, Davao City
Problema:
1. Mahina po ang loob ko at mahiyain lalo na pag dating sa babae kaya hindi nakapagtatakang umabot ako ng edad 34 na hindi nagkaka-girlfriend kasi nga po nahihiya akong manligaw. May trabaho naman ako sa ngayon bilang helper sa isang canteen at may crush po akong babae na kasamahan din namin dito sa tindahan. Sa ngayon po ay wala naman siyang boyfriend pero alam ko may iba pa sa kanyang nanliligaw bukod sa akin. Sa ngayon hindi pa ako nakapagtatapat sa kanya kasi nga nahihiya akong siya ay kausapin, kaya pasulyap-sulyap at patingin-tingin ang sa kanya ang ginagawa ko. Minsan kasi ay narinig ko sa kausap niyang kaibigang babae habang nagkukuwentuhan sila ang gusto nyang mapangasawa ay isang lalaking nakatapos ng pag-aaral, pero paano iyon hindi po ako nakatapos ng pag-aaral.
2. May pag-asa kayang maging kami? December 16, 1989 ang birthday ko at August 11, 1993 naman yong girl na crush ko kaya lang nahihiya akong kausapin siya.
Umaasa,
Edwin ng Ma-a, Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Leo naman ang babaing nililigawan mo ay nagsasabing kapwa kayo pinaghaharian ng elementong fire, na ngangahulugang tugma at compatible kayo.
Numerology:
Ang birth date mong 16 at 11 naman ang babaing nililigawan mo ay kapwa kayo pinaghaharian ng elementong tubig. Ibig sabihin hindi lang kayo sa Astrology tugma at compatible kundi maging sa Numerology din, na ibig sabihin lang, basta’t lagi mo lang siyang kakausapin, sa bandang huli, sa ika-10 buwan ng taon ding ito ng 2016, mabilis ang magaganap – magiging girlfriend mo na rin siya sa wakas.
Luscher Color Test:
Upang palarin ang inyong pag-iisang dibdib o ang inyong itatayong pamilya kung sakasakaling kayo na nga ang magkakatuluyan, inirerekomenda lagi kayong gumamit ng kulay na dilaw, pula at berde. Ang nasabing mga kulay ang lalo pang magpapaigting ng iyong pagmamahalan at magdadala ng mas marami pang suwerte sa inyong samahan.
Huling payo at paalala:
Edwin ayon sa iyong kapalaran tiyak ang magaganap ang babaing sinasabi mo ang nakatakda mo nang mapangasawa lalo na kung ang hugis ng kanyang mukha ay medyo korteng puso, maputi ang kulay ng balat at medyo sexy o slim ang pangangatawan. Tulad ng nasabi na, lagi ka lang sa kanyang makipagkuwentuhan, at makikita mo sa taon ding ito ng 2016, sa buwan ng Oktubre, tuluyan ka na rin niyang magugustuhan, hanggang sa mabuo ang isang matimyas at pang habang buhay ng pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending