Pakikipaghalikan ni Kathryn kay DJ patunay na tumiwalag na sa Iglesia

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

PATULOY pa ring dinudumog sa mga sinehan movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na “Barcelona” ng Star Cinema. Nagsimula na ring dumalo ang KathNiel sa mga international screening ng pelikula.

Pero bago ang international screening ng “Barcelona”, naimbita naman kami na panoorin ang movie sa block screening ng KB Buddies sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kamakailan. Ang KB Buddies ay ang solong fans club ni Kathryn. Kahit may balita na meron nang kumalat na pirated copies ang “Barcelona,” certified monster hit pa rin ang pelikula.

As of this writing, we heard more than P200 million na ang kinita ng pelikula. Isang malaking bonus naman para sa KathNiel fans ang kauna-unahang kissing scene nina Kathryn at Daniel sa ending ng movie. At dito, na-convince na kami na nag-iba na talaga si Kathryn ng kanyang religious affiliation.

Bawal daw kasi sa dating kinabibilangang relihiyon ni Kathryn ang makipag-kiss. At bago ‘yan, naging isyu din noon ang pag-eendorso ng ibang kandidato ni Kathryn last elections sa dinalang presidential candidate ng Iglesia Ni Cristo.

Ayon sa aming source, si Kathryn together with her sister ay mga Katoliko na raw. Pero ang mga magulang ng aktres ay nananatili pa rin daw sa dati nilang relihiyon.

So, hindi naman pala big issue sa pamilya ni Kathryn at ng dati niyang kinaaanibang relihiyon kung nag-iba na siya ng kanyang spiritual belief.

This maybe is the reason kung bakit may nakita rin kami na mga madre sa KB Buddies block screening ng “Barcelona” na handog ng KathnNel Protectors at TFC friends.

Naaliw naman kami nu’ng ma-sight namin during the block screening na kinikilig din ang mga madre sa mga kyut na eksena nina Kathryn at Daniel. Mahal din kasi ng mga madre ang KathNiel loveteam kaya suportado ng mga ito ang “Barcelona.”

Read more...