Boy Abunda pangarap mai-guest si Duterte

BOY ABUNDA

                                                                               BOY ABUNDA

PARANG kailan lang umere ang Tonight With Boy Abunda ay heto’t isang taon na pala na magkakaroon ng isang linggong selebrasyon simula sa Lunes, Set. 26.

Nakausap namin ang Executive Producer ng show na si Ms. Nancy Yabut na inginuso ni Kuya Boy Abunda nu’ng usisain namin kung ano ang mangyayaring selebrasyon.

“Mas may alam si Nancy,” sambit ng King of Talk sa amin.

Kuwento ni Nancy sa amin, “Actually Reggee may mga gusto kaming i-guest kaso hindi pa namin masabi kasi hindi pa napapa-oo kaya hindi pa namin puwedeng sabihin kasi baka mapahiya kami.

“Ang sure ay mamimigay kami, si Tito Boy ng awards, sagot niya ang trophies for Best Fast Talk, Most Kilig, Most Revelation at Hottest Newsmaker,” sabi sa amin.

Tinanong namin kung sino ang dream guest ng Tonight With Boy Abunda, “Marami naman, sina Brad Pitt, Angelina Jolie, Edward Pattinson, Kirsten Stewart, marami pa eh!” birong sabi sa amin ng producer.

Pero nu’ng nagseryoso na si Nancy, “Actually, gusto namin sana si President (Rodrigo) Duterte, kaso kulang naman ang 15 minutes di ba, bitin. Pero sana nga, kaso sa sobrang busy no’n.”

Sa tanong kung sinu-sino sa mga naging guest ng show ang nagpataas talaga ng ratings nila, “Marami naman, siyempre kapag loveteams like KathNiel (Daniel Padilla/Kathryn Bernardo), LizQuen (Liza Soberano/Enrique Gil), JaDine (James Reid/Nadine Lustre), ElNella (Elmo Magalona/Janella Salvador), Hashtags, lahat ng may fan base. Recently si Rita Gabiola, si Badjao Girl (ng PBB), mataas ang rating namin,” kuwento sa amin.

Tinanong namin kung sino sa miyembro ng Hashtags ang sikat na mas nagpataas sa rating ng programa ni kuya Boy.

“Sina Mccoy (de Leon) at Ronnie Alonte,” sagot sa amin ni Nancy.

Read more...