San Miguel Beermen umusad sa semifinals

Mga Laro Ngayon
(Ynares Center, Antipolo City)
3 p.m. Mahindra vs Meralco
5:15 p.m. TNT KaTropa vs Phoenix Petroleum

UMUSAD agad sa best-of-five semifinals ang defending champion San Miguel Beermen matapos patalsikin ang NLEX Road Warriors, 114-110, sa kanilang 2016 PBA Governors’ Cup quarterfinals game Biyernes sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ang No. 2 seed na Beermen, na tinapos ang elimination round na may 8-3 karta at hawak ang twice-to-beat advantage kontra Road Warriors sa kanilang quarterfinals matchup, ay makakaharap ang magwawagi sa pagitan ng Barangay Ginebra Kings at Alaska Aces sa semifinals.

Pinangunahan ni Elijah Milsap ang San Miguel Beer sa kinamadang 39 puntos at 11 rebounds.

Si June Mar Fajardo ay nagtala ng 17 puntos para pamunuan ang apat na local Beermen na umiskor ng double figures.

Kumana naman si Henry Walker ng 45 puntos para sa NLEX.

Read more...