Anti-bullying, sportsmanship ituturo ng ‘Patintero’ sa mga bagets

patintero

RELATE much kami sa pelikulang “Patintero: Ang Alamat Ni Meng Patalo” na isa sa mga pelikulang pinag-usapan sa nakaraang QCinema Film Festival na idinirek ni Mihk Vergara.

Isa ang pelikulang ito sa mga nag-uwi ng maraming tropeo sa nasabing filmfest tulad ng Audiece Choice at Gender Sensitivity award.

Nagkaroon kami ng chance na mapanood ang obra ni Mihk (o Made in HongKong) sa special screening na ibinigay ng TBA Films na ginanap sa Gateway cinema 7 kamakalawa.

Tungkol sa classic Pinoy street game ang pelikula na pinagbibidahan ng apat na magagaling na child stars, sina Nafa Hilario Cruz bilang si Meng, Isabel Frial as Nicay, William Buenavente bilang Shifty at Claude Adrales as Z-Boy.

Sila ang bumubuo ng Patalo Team na laging binu-bully sa kanilang lugar dahil nga palagi silang talunan sa larong patintero.

Inspired by the filmmaker’s love for Japanese anime, comic books at sports movies, ang “Patintero” na mapapanood n’yo na sa commercial run ay binigyan ng mas enhanced version tulad ng mas mahaba at mas exciting na “anime scenes” para mas ma-enjoy ng nga manonood, lalo na ng nga bata.

Ayon kay direk Mihk, hindi nila pinalitan ang istorya pero dahil nga mas naging patok ito sa mga kids nang ipalabas sa QCinena ay nagdagdag pa sila ng action at anime inspired scenes.

Mula sa produksyon na Tuko Films, Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno (TBA Films), na siya ring naghatid sa atin ng blockbuster historical film na “Heneral Luna”, ang “Patintero” ay isang very fun family-oriented film tungkol sa isang batang babae na nalagpasan ang iba’t ibang hamon ng buhay sa tulong ng kanyang mga kaibigan.

Layunin ng pelikula na ipakilala muli ang larong patintero at iba pang mga larong Pinoy sa henerasyon ngayon na palagi na lang nakatutok sa kanilang gadgets. Magsisilbi rin itong throwback para sa mga “young once” na tulad ko na lumaki sa paglalaro ng patintero sa kalye.

Punong-puno rin ito ng aral tungkol sa pagkakaibigan, teamwork, sportsmanship at anti-bullying. In fairness, na-enjoy namin ang pelikula at talagang throwback kung throwback ang drama namin kapag ipinapakita na ang mga bata na naglalaro ng patintero. Medyo iba nga lang ang atake ng sistema ng game dahil may kaunting pisikalan na ito.

“At the end of the day our, goal is to create an entertaining film. But we’re also hoping that through this movie, we can start a movement for kids to go out and play. If not, then at least we hope to create awareness that we, their parents and older siblings, once played these games,” ani direk.

“I myself wrote the story because I have fond memories of playing patintero and other street games, which children of today’s generation have forgotten as they’re more into video games,” chika pa ni Direk Mihk.

Ang pinaka-highlight ng pelikula ay ang pakikipaglaban ng Team Patalo sa Barangay Linggo Ng Wika Sportsfest sa iba’t ibang grupo. Medyo intense ang championship game na siguradong ikagugulat ng
viewers.

Kasama rin sa cast ng “Patintero” sina Katya Santos, Vince Magbanua at Suzette Ranillo, ang agaw-eksenang lola ni Meng.

Abangan ang cast ng movie sa kanilang mall tour bukas, Set. 25 sa SM Southmall at sa Oct. 2 sa SM North Edsa kasama ang comic book illustrators na sina Rob Cham, Arnold Arre, Carlorozy Clemente at Mich Cervantes para i-promote ang comic book version ng “Patintero: Mga Alamat Ng Patalo”.

Magkakaroon din red carpet premiere ang movie sa Oct. 1 sa SM Megamall na dadaluhan ng buong cast at iba pang celebrities na may naka-line up ding pelikula sa TBA films. Showing na ang “Patintero” sa Okt. 5 nationwide to be distributed by Quantum Films.

Samantala, ayon kay Mr. Ting Nebrida, TBA executive, abangan din ng madlang pipol ang pagpapalabas sa commercial theaters ng iba pa nilang projects tulad ng “1 2 3” directed by Carlo Obispo; “Iisa” ni Chuck Gutierrez nina Rio Locsin at Angeli Bayani; at “Smaller and Smaller Circles” starring Nonie Buencamino, Sid Lucero at Carla Humphries.

Read more...