Jak Roberto biglang sikat sa GMA dahil sa paghuhubad

jak-roberto

HINDI inakala ng Kapuso hunk na si Jak Roberto na marami ang magkakagusto sa tuwing maghuhubad siya sa mga programa ng GMA.

Lagi siyang nakahubad sa weekly drama-comedy series na Dear Uge hosted by Eugene Domingo at kapag guest siya sa Sunday PinaSaya ay palagi rin siyang nagpapasilip ng katawan.

Sa bagong inter-active romantic-comedy ng GMA na Usapang Real Love, may eksena rin siyang nakahubad kaya kitang-kita ang “pandesal” niya sa katawan.

Sinasadya ba niya ‘yon para mapansin at mabigyan ng projects?

“Actually, hindi po. Galing na kasi ako sa pagkapa-yat kaya meron ng abs dati kahit paano. Hindi ko naman po alam na gusto pala nila ng abs! Ha-hahaha!” tugon ng Kapuso hunk actor.

Ano ang feeling niya ngayon? “’Yun nga po, hindi ko alam na gusto pala nila ng abs. Sabi nga nila, if you have it, flaunt it! So ‘yun po!” rason niya.

‘Yung sexy video niyang ginamit sa Yan Ang Morning, umabot na sa mahigit 100,000 views at more than 500 comments. Makalaglag-panga raw kasi ang ginawa niyang paghuhubad doon.

“Eh, SPG (Strict Parental Guidance) kaya hindi nag-ere! Ha-hahaha! Hindi ko ini-expect na marami ang magvi-view,” pahayag ng Kapuso hunk.

Wala naman daw isyu sa kanya kung ipaglantaran niya ang hubad na katawan, “Sabi n’yo nga po, puhunan kaya sige lang po!” sagot ni Jak.

Puwede ba siyang lumampas sa pagpapakita ng abs sa pelikula? “Nandoon na po ako sa situation kung ano ang itatakbo ng istorya. Kung ano ang magiging produkto ng pelikula,” saad niya.

Kahit may mga shows na, nandoon pa rin ang pa-ngarap niyang magbida, “I’m really hungry na sana maging bida. Kahit sino naman nagdi-dream magbida. Gusto kong ipakita ang talento ko sa pag-arte,” katwiran niya.

Anyway, sa hindi pa nakakaalam, kapatid ni Jak ang isa sa Sang’gre na si Sanya Lopez bilang Danaya. Naunahan man siyang mabida ng kapatid, happy siya sa gumagandang career ni Sanya.

Sa URL, papapel na third wheel si Jak sa loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Mapapanood na ito sa Sept. 25 kung saan magkakaroon ng chance ang netizens na maging bahagi ng series.

Mag-message sa Facebook, i-tweet o i-post ang video sa Twitter o Instagran at itag ang @UsapangRealLove at lagyan ng hashtag na #MagpaFanSin at ang mapipiling video ay isasama sa episode at mapapanood sa TV.

Read more...