Sa sobrang pagkagusto, hinirit ng binata sa ama na gawan ng sariling produkto ang anak ng aktor at gawin mismong endorser.
Hindi nagdalawang-isip ang ama sa hiling ng anak at ginawan ang dalaga (na kumakanta rin) ng produktong pampaganda at agad na piniktoryal. Pero malabong magkagusto sa binata ang anak ng aktor dahil alam na sa showbiz na may boyfriend na siyang singer.
Eh, nang magkaroon ng anibersaryo ang produktong ineendorse ng singer, natuwa ang negosyante dahil kahit ilang oras lang ay nasolo niya ang anak ng aktor. Agad niya itong binakuran at inubos ang baterya ng kamera para sa pictorial nilang dalawa, huh!
Naku, may plano pa ang negosyante na gawan ng concerts, billboards at TV ads ang anak ng aktor. Kaya kuwidaw ang boyfriend niyang singer lalo na kapag bumalandra na ang billboards ng singer sa EDSA at iba pang lugar, huh!