Tambalang Gerald Anderson-Yen Santos tuloy pa rin

gerald anderson at yen santos

GUSTONG klaruhin ng aming source na hindi totoong wala na si Yen Santos bilang leading lady ni Gerald Anderson sa serye nilang Because You Love Me tulad ng napabalita.

Ang nakarating kasi sa amin ay tinanggal na si Yen dahil hindi raw nito kaya ang papel niya bilang isang triathlon player at busy din siya sa shooting ng “Once In A Lifetime” movie nila ni Piolo Pascual mula sa Regal Entertainment.

Nabanggit ang pangalan ni Kim Chiu na magiging kapalit ni Yen, ito na raw ang makakatambal ni Gerald dahil nakitang nag-look test na ang dalaga.

Pero ang paliwanag ng aming source, “Alam ko, hindi totoo ‘yun. May kailangang ayusin sa concept. Saka ang alam ko sa Dreamscape, hindi sila nagpapalit ng artista, unless hindi talaga puwede or mismong artista na ang nag-back out.”

Kaya pala may pahayag si Kim na, “Saan nanggaling ‘yun?” na ang tinutukoy nga ay ang muli nilang pagtatambal ni Gerald.

Hirit pa ng aming source, “Mahirap mag-mount ng isang triathlon serye.”

Read more...