Mr. Mahiyain | Bandera

Mr. Mahiyain

Joseph Greenfield - September 24, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Edwin ng South Vill Country Homes, Ma-a, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Mahina po ang loob ko at mahiyain lalo na pag dating sa babae kaya hindi nakapagtatakang umabot ako ng edad 34 na hindi nagkaka-girlfriend kasi nga po nahihiya akong manligaw. May trabaho naman ako sa ngayon bilang helper sa isang canteen at may crush po akong babae na kasamahan din namin dito sa tindahan. Sa ngayon po ay wala naman siyang boyfriend pero alam ko may iba pa sa kanyang nanliligaw bukod sa akin. Sa ngayon hindi pa ako nakapagtatapat sa kanya kasi nga nahihiya akong siya ay kausapin, kaya pasulyap-sulyap at patingin-tingin ang sa kanya ang ginagawa ko. Minsan kasi ay narinig ko sa kausap niyang kaibigang babae habang nagkukuwentuhan sila ang gusto nyang mapangasawa ay isang lalaking nakatapos ng pag-aaral, pero pano yon hindi po ako nakatapos ng pag-aaral. May pag-asa kayang maging kami? December 16, 1989 ang birthday ko at August 11, 1993 naman yong girl na crush ko kaya lang nahihiya akong kausapin siya.
Umaasa,
Edwinb ng Ma-a, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang nakitang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung sino ang unang babae na pagtapatan mo agad-agad ng iyong pag-ibig, tiyak ang magaganap siya na rin ang unang magiging girlfriend at makakasama habang buhay.
Cartomancy:
Six of Hearts, Jack of Hearts at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2016 sa susunod na buwan ng Oktubre, basta’t lagi ka lang makipag-kuwentuhan sa babaing crush mo na may zodiac sign na Leo, tiyak ang magaganap, bandang huli magugustuhan kin kayo.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending