AKO po ay tubong Iloilo. Nakapagtrabaho ako dito sa Manila bilang bagger. Gusto ko lang itanong sa PhilHealth kung ano ang dapat kong gawin? Ako ay may apat na anak. Hiningian ako ng Birth Certificate ng mga anak ko para sa Philhealth. Eto po ang problema, iba-iba ang nakalagay na middle name ko sa birth certificate ng mga anak ko. Ang sabi ng HR namin, baka daw magkaproblema sa pagkuha ng claims. Naguguluhan po ako. At tanong ko rin kung ilang anak ang pwedeng maging covered ng PhilHealth? Salamat po
Rene Baltazar
G.Baltazar:
Pagabti mula sa Team PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na maaari po nin-yong ideklara ang apat ninyong anak bilang inyong dependent sa PhilHealth. Maaari po kayong magsumite ng inyong Birth Certificate, Birth Certificate ng inyong mga anak at Joint Affidavit of Two Disinterested Persons (para sa correction ng inyong middle name) at napunan na PhilHealth Member Registration Form (PMRF) sa pinakangmalapit na PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO) sa inyong lugar upang ma-update ang inyong rekord.
For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.
For more information and other updates, please visit our website at www.philhealth.gov.ph
Salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.