SA hiwalayan nina Angelina Jolie at Brad Pitt, nabanggit diumano ni Angelina ang pangalan ni Pangulong Digong.
No, no, hindi si Digong ang dahilan ng paghihiwalay ng tanyag na Hollywood couple. Hehehe!
Kayo naman, bakit bigla kayong napasigaw?
Sabi ni Jolie, kailangan ng America ng lider na gaya ni Digong upang masugpo ang drug abuse sa kanyang bansa.
“I really think that abusing of any form of drugs should be completely eradicated, especially here in America where anyone can buy the drug of their choice almost anywhere. I hope we find a Rodrigo Duterte to solve this growing problem that affects numerous American households,” said Jolie as quoted by TMZ.
Ang dahilan daw ng hiwalayang Angelina at Brad ay ang sobrang intake ng lalaki ng weed (marijuana) at alcohol.
Kung napanood ninyo sa TV ang hearing ng Kamara tungkol sa problema sa droga sa New Bilibid Prisons (NBP), masasabi ninyo na karamihan sa mga kongresista ay estupido.
Nagbigay sila ng mga katanungan na walang katuturan sa mga resource persons.
Hindi sila nakinig sa mga tanong kaya’t marami sa kanila ay inulit ang tanong na natanong na, kaya’t tumagal ang hearing.
Meron isa sa kanila na kinonsumo ang kanyang pasakalye ng dalawang minuto bago nagtanong.
Karamihan sa kanila ay nagpapasikat lamang sa kanilang mga constituents sa probinsiya kaya’t ipinakita nila tuloy ang kanilang pagiging bobo.
Ang mga mambabatas na ito ay salamin ng mga bumoto sa kanila.
Kahit na anong sabihin ni Sen. Leila de Lima upang pasinungalingan na siya ay nakipag-ugnayan sa mga drug lords sa NBP, wala nang maniniwala sa kanya.
Walang maniniwala sa kanyang sinabi na tinakot o tinortyur ang mga testigo laban sa kanya.
Paano tinakot o pinahirapan ang mga
iyon samantalang very spontaneous o natural ang kanilang mga sagot.
Isa pa nga sa kanila, si Herbert Colanggo, ay nagpapayaso.
Paano silang pinahirapan samantalang atat na atat sila sa pagsagot?
Bilang matagal na police reporter, nararamdaman ko kung tinuruan ang isang witness.
Sa kanilang mga anyo, wala ni isa sa kanila ay tinuruan kung ano ang sasabihin.
Wala ni isa sa kanila ang nagpakita ng pagkatakot.
Dapat ang ipinangalan kay Digong ng kanyang mga magulang ay Salvador, na ang ibig sabihin ay savior o tagapagligtas.
Duterte came in the nick of time to save us from destruction caused by drug abuse.
Kung ibang presidential candidate ang nanalo baka on our way to becoming another Colombia or Mexico na ang
ating bansa dahil sa problema sa droga.
Sa mga bansang nabanggit, ang mga awtoridad ang natatakot sa mga drug syndicates instead of the other way around.
Naiintindihan ng taumbayan ang mga marahas na mga hakbang na ginagawa ng Duterte administration na pigilin ang paglaganap ng droga sa bansa.
Kahit ano pa man ang sinasabi ng ibang bansa, lalo na ang America at European Union, mananatiling matatag ang paniwala ng taumbayan kay Digong sa kanyang laban sa droga.
Mahirap isipin ang kahihitnan ng ating bansa kung hindi nahalal si Digong na Pangulo.
Posibleng ang bilang ng mga drug addicts at users ay magtriple. Sa kasalukuyan, ang bilang ng adik ay 3.7 million.
In six years, hindi na masusugpo ang droga dahil napakalaki na nito.
Mabuti’t dumating si Digong.