Sandigan sinuspinde ang deputy ni Ronnie Ricketts sa OMB

sandiganbayan

SINUSPINDE ng 90-araw ng Sandiganbayan si dating Optical Media Board (OMB) executive director Cyrus Paul Valenzuela, na ngayon ay court attorney V na.
Inaprubahan ng anti-graft court ang suspensiyon laban kay Valenzuela na nahaharap sa kasong graft.
Bukod kay Valenzuela, kinasuhan din ang aktor at dating OMB chairman Ronnie Ricketts ng graft matapos umanong magbigay ng pabor sa Sky High Marketing Corp.
Ipag-utos ni Ricketts ang pagkukumpiska sa mga pirated DVDs (digital video discs) at VCDs (video compact discs).
Kinalaunan, pinabawi ni Ricketts ang ebidensiya laban sa Sky High.
Nauna nang sinuspinde ng Sandiganbayan si Ricketts.

Read more...