Kim kinawawa ng bashers dahil kay Gerald, Xian dedma lang

kim chiu
NAPAKINGGAN namin ang pagdedenay ni Kim Chiu na wala siyang alam sa napabalitang balik-tambalan nila ni Gerald Anderson.

Dahil nga sa isyung ito, grabe ang natanggap na pamba-bash ng Kapamilya actress. Na-feel na namin na mangyayari ito dahil simula nang lumabas ang balitang muling magtatambal sa serye sina Kim at Gerald ay grabe na agad ang pagtutol ng KimXi fans. Siyempre, mas gusto nilang magkaroon uli ng project ang rumored couple na sina Kim at Xian Lim.

Yes, kapatid na Ervin, diumano ay mismong fans nila ni Xian ang tumututol at namba-bash kay Kim ngayon at balita ring hinahayaan lang ito ni Xian.

“Ganu’n katindi ang supporters ni Xian. Kunwari love nila si Kim pero kapag nababalitang may gagawin itong iba na hindi kasama si Xian, nagagalit sila at bina-bash si Kim. Pero kapag may mga pakiusap silang suportahan halimbawa ang concert o album ni Xian, inoobliga nila ang supporters ni Kim,” kuwento ng aming ka-Chismacker-source.

Sinubukan naming kunan ng pahayag si Xian hinggil dito, pero mukhang nag-iba na naman ito ng cellphone number, unless talagang dinedma niya ang tawag namin! Ha-hahaha!

Read more...