Rufa Mae ayaw mag-retire sa showbiz: Todo lang ‘to! tuloy ang mga pasabog!

ruffa-mae-quinto-at-trev
NA-IN love si Rufa Mae Quinto sa kanyang fiance na si Trev Magallanes dahil sa isang quality nito na mahirap daw mahanap sa ibang lalaki.

Ayon sa komedyana sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, answered prayer ang pagdating ni Trev sa buhay niya. Buntis na rin ngayon si Rufa Mae courtesy of Trev.

“Because everything I say, he understands – wala nang maraming kyaw kyaw choo choo choo. Ito English pa ah! Imagine mo!

“Pero kahit na, yung tinginan na lang, nagkakaintindihan na. May ganoon kaya mabilis, kaya yung nangyari mabilis lahat kasi wala nang sobrang explanation,” natatawang chika ng award-winning comedienne.

Dito rin inamin ni Rufa Mae na “very sensitive” ang kanyang pagbubuntis, “Matakaw na lang ako kumain kasi kung hindi sisikmurain. Parang ang dami mong nararamdaman, fatigue, nausea, kung anu-ano pag hindi ka kumain. Pero siyempre medyo high risk na a.k.a. sensitive.”

Tanong ni Boy Abunda sa kanya, “Buti hindi ka nire-require mag bed rest?” Sagot ni Rufa Mae, “Bed rest? Required nga eh. Hindi, okay lang naman basta hindi nagpapagod masyado. Tataba naman ako kapag laging nakahiga tsaka mas marami kang nararamdaman pag nakaupo lang. Tsaka gusto naman niyang mag-guesting,” sabay nguso sa kanyang baby bump.

Siniguro rin ng aktres na hindi pa niya tuluyang iiwan ang showbiz kahit pa may asawa’t anak na siya, “Hindi naman retire, ano lang, break lang at maternity leave. Pero kumbaga, ako kasi sabi ko, kung hanggang saan yung kaya, bakit naman ako tatanggi?

“Ito yung buhay ko, yung showbiz. At saka andito lang naman ako sa Manila na dahil nga hindi ako maka fly bawal din akong mag fly.

“Hindi ko naman masabing leave or what pero hangga’t hindi niya kaya, hindi ko gagawin,” na ang tinutukoy nga ay ang kanyang baby.

So, kapag kaya na niya uli magtrabaho babalik pa rin siya sa showbiz, “Yes of course, dapat todo lang ‘to! Tuloy tuloy ang pasabog!”

Read more...