Pasabog ng ex-sexy star: Sikat na aktor napakabantot ng hininga

BLIND ITEM F-M 0322
MATINDI siguro ang galit ng isang dating pamosong aktres sa isang magaling na dramatic actor.

Dekada na ang nakararaan nang magkasama sila sa isang pelikulang nakakuha ng mga parangal at naging maayos naman ang kanilang trabaho.

Ewan kung bakit ngayon ay umaariba na naman ang aktres sa pagkukuwento ng mga kapintasan ng magaling na aktor. Insekurida kaya ang dating nagpapaseksing aktres dahil uso na naman ngayon ang magaling na aktor?

Ipinagkakalat ng babae na hindi kagandahan ang amoy ng nasabing aktor. Nang magkaroon kuno sila ng kissing scene nu’n sa pelikulang pinagsamahan nila ay agaran siyang tumakbo sa banyo para magsuka nang magsuka.

Kuwento ng aming source, “Ang sabi niya, e, hindi raw kasi niya ma-take ang amoy ng hininga ni ____ (pangalan ng magaling na aktor), napakabaho raw, halos hindi na nga raw siya humihinga sa eksena nilang naghahalikan.

“Pinaghandaan daw niya ang eksenang ‘yun, nag-toothbrush daw siya nang paulit-ulit bago kinunan ang scene, nag-mouthwash pa raw siya, pero mukhang kabaligtaran naman ang ginawa ng ka-partner niyang actor.

“Sa kuwento ng girl, e, parang kumain daw ng pusit ang guy sa kabahuan ng hininga niya. Super-baho raw kasi, kaya habang ginagawa nila ang kissing scene, e, hindi na halos siya humihinga.

“So, right after the scene, tumakbo raw siya sa CR, nagsuka raw siya nang nagsuka, dahil ayaw matanggal ang bad breath ng guy sa ilong niya!” kuwento ng aming source.

Maraming nagsasabi na sinisiraan lang ng dating nagpapaseksing aktres ang magaling na aktor dahil gumanda na naman ang career nito. Napapanood ngayon ang magaling na dramatic actor sa pelikula at mga serye, samantalang ang babaeng personalidad ay waley na waley ang karera, dahil sa kanyang pagpapabaya.

“Naku, Bradly Guevarra, kapani-paniwala pa ba naman ang mga pinagsasasabi ng babaeng ‘yun na kailangan nang kumanta ng La Ocean Deep?” pagtatapos ng aming source.

Read more...