1 pang Indones pinalaya ng Abu Sulu

abu-sayyaf

PINALAYA ng Abu Sayyaf ang isa pang bihag na Indonesian national sa Sulu, kaninang umaga, ayon sa militar.
Sinabi ni Major Filemon Tan Jr., spokesperson of the Western Mindanao Command, na ibinigay ang Indones na si Herman Bin Manggak sa Moro National Liberation Front (MNLF) ganap na alas-1 ng umaga.
Dinukot si Manggak ng mga armadong lalaki sa karagatan ng Sandakan, Sabah noong Agosto 3.
Idinagdag ni Tan na dinala si Manggak sa Camp Teodulo Bautista Station Hospital kung saan siya sumailalim sa pagsusuri bago pormal na ibigay sa mga opisyal ng Indonesia sa Western Mindanao Command.

Ngunit ayon sa MNLF, nailigtas nila si Manggak sa Sulu noong Miyerkules ng hapon.

Read more...