Ex-general sangkatutak ang utang, maraming nagoyo

HINDI na mahagilap ang isang retired general na baon sa malaking pagkakautang.

Bukod sa kanyang mga pinangakuan ng negosyo sa gobyerno ay marami rin pala siyang nagoyo noong nakalipas na halalan.

Ginawa lamang daw niyang money-making scheme ang eleksyon para makahingi ng pondo sa ilang mga negosyante at personalidad kapalit ng mga ipinangako niyang pabor.

Pati ang mga taong ginamit niya noong eleksyon ay hindi rin niya binayaran.

Sinabi ng ating Cricket na talagang may pagka-hoodlum ang ugali ng dating opisyal na ito na ngayon ay tadtad ng utang.

Noong nakalipas na administrasyon ay ipinusisyon niya ang kanyang sarili bilang operator kuno ng dating pamahalaan.

Mula sa mga proyekto sa Department of Public Works and Highways hanggang sa mga kontrata sa gobyerno ay nagawa niyang ipakilala ang sarili bilang padrino para mapadali ang transaksyon sa pamahalaan.

Hindi ito libre syempre dahil meron siyang “professional fee” pero malinaw naman na iyun ay lagay.

Sa dami ng kanyang niloko ay hindi nagtataka ang ating Cricket kung bakit hindi na mahagilap ngayon ang dating “General” na ito na kilala sa pagiging matikas.

Nawala ang kanyang yabang dahil sa dami ng mga kasong haharapin niya sa hukuman.

Kasabit din dito ang kanyang tisay na chiching ka kilala naman sa dami ng mga jeweler na kanyang na-estafa.

Tunay nga na sila ay partners in crime.

Ang dating general na nahaharap ngayom sa sangkatutak na kaso dahil sa panloloko at panggagantso ay si Mr. R….as in Romantiko.

Read more...