Sarah nominado sa 2016 MTV Europe Music Awards; dumalaw sa shooting ni Matteo

sarah geronimo

KINILIG muli ang mga Popsters nang kumalat sa social media ang litrato nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na kuha sa isang MMA center sa Parañaque City.

Bumisita raw si Sarah sa shooting ng bagong pelikula ng kanyang boyfriend sa B.A.M.F. MMA Center at dito nga sila nakunan na magkasama. Ang kaibigan ni Matteo na si Snooky Cruz ang nag-post ng nasabing photo sa kanyang Instagram account kasama ang MMA trainor ng aktor.

Ayon sa fans ng magdyowa, napaka-sweet daw na girlfriend ni Sarah dahil talagang naglalaan ito ng panahon para madalaw ang kanyang boyfriend sa trabaho nito.

Marahil ay sobrang busy ngayon ni Matteo kaya ang Pop Princess na lang ang bumisita sa kanya sa shooting para magkita at magkausap sila kahit sandali lang.

In fairness, medyo walang intriga sa relasyon nina Matteo at Sarah, mukhang effective nga ang kanilang pananahimik tungkol sa kanilang love affair.

Samantala, isa na namang international recognition ang natanggap ni Sarah matapos mabalitang kasama siya sa mga nominado para sa 2016 MTV Europe Music Awards under the Southeast Asian Act category.

Makakalaban niya ang mga sikat na singer and performers mula sa Singapore, Malaysia, Indonesia at Thailand. Noong 2014, nakuha ni Sarah ang tropeo para sa kaparehong kategorya ngunit natalo siya sa Worldwide Act: Asia award.

Read more...