Petrasanta, iba pa binasahan ng sakdal

  sandiganbayan
Korte ang nagpasok ng not guilty plea kay dating Chief Supt. Raul Petrasanta sa kinakaharap nitong kasong graft kaugnay ng maanomalya umanong courier service deal ng Philippine National Police noong 2011.
     Hindi sumagot si Petrasanta at kapwa akusado niya na sina Eduardo Acierto, Nelson Bautista at Ricardo Zapata Jr., ng tanungin ng Sandiganbayan Sixth Division kung ano ang kanilang plea.
     Kapwa akusado nila si dating PNP Chief Director General Alan Purisima na naghain ng not guilty plea sa kanyang arraignment noong Hunyo.
     Ayon sa Ombudsman nagsabwatan ang mga akusado kaya napunta ang kontrata sa WerFast Documentary Agency Inc. para sa pagpapadala ng mga lisensya ng baril sa mga aplikante.
      Kuwestyunable rin umano ang papeles ng Werfast gaya ng registration sa Securities and Exchange Commission at kawalan ng permiso sa Department of Transportation and Communication upang mag-operate ng delivery service.
     Mas mahal din umano ang sinisingil nito sa mga aplikante kumpara sa ibang courier service.
     Kinuha rin umano ng Werfast ang serbisyo ng LBC upang ipadala ang mga lisensya kaya kuwestyunable umano ang kakayanan nito bilang isang courier.

Read more...