Paano ang gagawin kung may iba ng GF ang BF?

Sulat mula kay Gemma ng Malitbog, New Corella, Davao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Mag-iisang taon na sana ang relasyon namin ng boyfriend ko sa darating na October 10, kaya lang bigla siyang nagbago. Hindi na siya masyadong pumapasyal sa bahay at madalang na rin siyag mag text o tumawag. Hanggang sa nagpasya na akong kausapin siya at doon ko nalaman at inamin nya sa akin na may bago na daw siyang girlfriend na ka-officemate nya. Humingi naman siya sa akin ng sorry pero hindi ko matanggap hanggang ngayon, masakit pa rin ang loob ko kasi mahal na mahal ko siya. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung magkakabalikan pa ba kami? At kung hindi na kailan kaya uli ako magkaka-boyfriend at magiging pang matagalan na kaya at kung kailan ako makapag-aasawa? February 2, 1992 ang birthday ko at September 3, 1990 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Gemma ng Davao
del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May island o hugis bilog sa iyong Heart Line at bahagyang naputol ito (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin makakaranas ka isang malaking kabiguan sa pag-ibig, na kasalukuyan ng nangyayari, kung saan nagka-break kayo ng boyfriend mo. Pero hindi ka pa rin dapat na malungkot, dahil kusa ring gumanda at nabuo ang Heart Line sa dulong bahagi (arrow 2.) sa iyong palad, na nangangahulugang sa pangalawang pag-ibig o sa ikalawang pakikipag-boyfriend may pangako na ng isang maligaya at pang habang buhay na relasyon.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Six of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagkatapos ng kalungkutan dahil sa pagkawala ng minamahal mong boyfriend, sa buwan ng Oktubre, tiyak ang magaganap, isang bago at mas mabait na manliligaw ang darating upang pagsapit ng buwan ng Disyembre sa taon ding ito ng 2016, tuluyan ng mabubuo ang ikalawa at mas maligayang pag-ibig hatid ng isang lalaking halos kasing edad mo rin.
Itutuloy…

Read more...