Angel kailangan ng clearance ng doktor bago mag-Darna

angel locsin

READY na uli si Angel Locsin na isuot ang kanyang Darna costume.

“Okay naman siya. May assessment lang ako tapusin lang muna natin itong pelikula then lipad ako doon for the doctor’s clearance,” say ni Angel in her recent interview.

“Very open naman ako from the start talaga. Isa yun sa mga dream roles ko at ang laki ng naitulong sa akin nu’n sa career ko nu’ng ginawa ko ‘yung Darna so hindi siya mawawala sa isip ko. Pero sa ngayon baka mas okay kung ‘di muna natin siguro pag-usapan,” sagot ni Angel when asked kung tuloy na ba siya talaga as Darna.

Clearly, Angel’s playing Darna again is a doctor’s clearance away.

Read more...