Dingdong, Marian hirap na hirap iwan si Baby Zia

MARIAN RIVERA, DINGDONG DANTES AT BABY LETIZIA

MARIAN RIVERA, DINGDONG DANTES AT BABY LETIZIA

WINNER ang pilot telecast ng Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes na nagsimula last Monday. Kinabog nito ang dramang katapat na nakakasawa na ang plot.

Bukod sa mataas na rating, panalo rin ang ARH sa online community dahil sa trending nito. Hindi lang daw kasi ordinaryong action drama series kungdi isang “story with a heart.”

Kahapon ay umalis si Dong papuntang California para sa show nila nina Marian Rivera sa San Francisco at Anaheim. Sa pagkakaalam namin, maisasama nina Dong at Yan ang anak nilang si Zia sa biyahe nilang ito. Balitang nabigyan din ng visa ang bata bago sila umalis.

Bale 10 months na si Zia sa Sept. 23 kaya tiyak na hahanapin na ang mga magulang kapag nawala ng ilang araw, huh!

Read more...