Ai Ai wala pa ring kupas, pinatunayan muli ang pagiging comedy queen

aiai delas alas

BY and large, isang resounding success ang “Ai Ai Meets Lani, Lani May Ai” nina Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha last Saturday sa Kia Theatre.

While we were more excited to see the Asia’s Nightingale perform live for the first time, pinatunayan lang ni Ai Ai na may hakot pa rin ang uri ng kanyang komedya sa entablado. So, who cares if she’s not as good as Lani as a singer, eh, bumawi naman siya sa kanyang antics and stunts?

Understandably, ieere sa SNBO ang concert on a still indefinite date. But one thing’s for sure, magkakaroon ito ng repeat sa Amerika.

Sa naturang concert, aside from the backup trio na nagtanghal din ay tanging si Alden Richards lang ang surprise guest.

Dahil wala rin namang pretensiyon ang aktor na siya’y isang mang-aawit, his main contribution ay para pakiligin ang audience, ‘yun nga lang, hindi namin gaanong narinig ang dagundong ng mga nagtitiliang fans. The scenario would have been different kung rumampa si Alden sa Cosmo Bachelor’s Bash in eye-popping, mouth-watering trunks.

Tuloy, we couldn’t help but tell ourselves na gamit na gamit ng kanyang istasyon si Alden who’s perceived to be a savior of sorts sa mga palabas ng GMA na nais nitong mas tangkilikin pa ng mga manonood.

Read more...