Pacquiao kay De Lima: Naaawa ako sa kanya

manny pacquiao
SINABI ni Sen.  Manny Pacquiao na tanging awa lamang ang kanyang maiaalok kay Sen. Leila de Lima, matapos pangunahan ang pagpapatalsik sa senador bilang chair ng Senate committee on justice and human rights.
“Naaawa nga ako sa kanya dahil syempre bilang may nanay din ako, may mommy din ako so naaawa din ako,” sabi ni  Pacquiao.
Sa botong 16-4, tinanggal si de Lima sa komiteng hinahawakan matapos ang mosyon ni Pacquiao.
“Sa akin naman hindi ako galit sa kanya…Useless kung pahintulutan natin ‘yung masasama. It’s against the Constitution, against the law na bayaan na lang natin, hindi natin i-correct,” dagdag ni Pacquiao.
Itinanggi naman ni Pacquiao na may nagdikta sa kanya para magmosyon.
“Before I decided to manifest, nag-pray ako  and then asked guidance, wisdom, knowledge because of the problem na (that) the committee chair should be neutral, hindi maging (and) unbiased,” giit ni Pacquiao.

Read more...