MARAMING nangnenega ngayon kay KC Concepcion dahil sa mga ipinopost nitong mensahe sa kanyang Instagram account na may konek sa relasyon nila ng kanyang rumored boyfriend na si Aly Borromeo.
Kamakailan kasi ay may IG post si KC tungkol sa estado ng kanyang personal na buhay. Isang boxed message ang inilagay niya sa kanyang IG account na may caption na “status update”.
May tatlong options na nakasulat sa box: single, taken at building an empire, finding myself, healing myself, loving myself, being passionate, getting fit, growing friendships, meeting new people, and making memories. Nilagyan ni KC ng check ang ikatlong option.
Ito ang dahilan kung bakit in-assume ng kanyang followers na hiwalay na sila ng football player.
Pero kamakalawa, muling nag-post ang TV host-actress ng wacky photo nila ni Aly na may caption na: “Status update! #TheKCDiaries!” Ang paniniwala ng marami, ito ang sagot ni KC sa kumalat na balitang nag-break na sila.
Ayon naman sa ilang bashers, ang arte-arte raw kasi ni KC, sana raw hindi siya makarma sa pinaggagawa niya.
Ayaw pa raw kasing umamin kung ano na ba talaga ang relasyon nila ni Aly. Sey pa nga ng isang netizen, “Ang dami mong pautot! Bahala ka sa buhay mo! Goodluck na lang sa lovelife mo! LOL!!!” – EAS