ISINAILALIM sa isolation kahapon ng hapon ang isang eroplano mula Jeddah, Saudi Arabia sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang aksidenteng mapindot ng piloto ang emergency button.
Inilagay sa total isolation ang Saudia flight SVA 872 nang dumating ito sa paliparan alas-3 ng hapon dahil sa pag-aakalang na-hijack ito.
Inabot naman ng apat na oras bago pinababa ang mga pasahero.
Rumesponde ang mga personnel mula sa Philippine National Police- Aviation Security Group upang magsagawa ng inspeksyon.
Sa isang press conference, nilinaw ni NAIA General Manager Ed Monreal na aksidenteng napindot ang distress call button ng di-kinilalang piloto.
Hanggang kagabi ay iniimbestigahan ang insidente.
MOST READ
LATEST STORIES