HINDI napigilan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang humanga sa kagandahan ng Kapamilya actress na si Angel Locsin.
Kumalat sa social media ang litrato ni Angel na ipinost ng hairstylist na si Nante Alingasa sa Instagram nitong weekend.
We’ve learned na si Nante ang nag-style sa hair ni Angel para sa pictorial ng bagong movie ng Star Cinema na “The Third Party” with her leading men Sam Milby and Zanjoe Marudo.
Ilang oras matapos mai-post ang photo ni Angel, nag-comment si Pia at pinuri ang classic beauty ng ex-girlfriend ni Luis Manzano. Tinag pa nga ni Miss Universe si Angel sa kanyang comment.
Sey ni Pia, “Ang ganda mo sobra (with matching heart emoji),” papuri ng beauty queen.
Nang mabasa naman ng isang netizen ang mensahe ni Pia, agad niya itong ipinarating kay Angel sa pamamagitan din ng IG.
Kilig na kilig naman si Angel sa papuri ni Pia at agad nagpasalamat kay 2015 Miss Universe, “OMG!!!#queepia!”