Jennylyn ayaw nang magbuyangyang ng katawan sa men’s mag; model ang ka-loveteam sa bagong serye ng GMA

 

AYAW na munang mag-pose nang seksi ni Jennylyn Mercado sa anumang men’s magazine. Pahinga raw muna siya sa pagiging cover girl ng FHM dahil hindi na raw ito ang priority niya sa kanyang career.

Sa launching ng 6th album ni Jen titled “ULTIMATE” under Ivory Records, sinabi ng Kapuso TV host-actress na sa edad at estado niya ngayon ay parang awkward na sa kanya ang magbuyangyang ng katawan. “Siyempre, nanay na rin ako, lumalaki na rin si Jazz, so, siguro huwag na lang muna.”

Kung kami ang tatanungin, pwedeng-pwede pa ring maging cover girl ng men’s magazine si Jen dahil ang sexy-sexy pa rin niya, at kering-keri pa rin niyang agawin ang titulo ni Jessy Mendiola next year bilang Sexiest Pinay.

Umiwas naman ang Kapuso Ultimate Star na pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ni Dennis Trillo, pero inamin niyang totoong magkasama sila ng Kapuso Drama King sa Batangas nitong weekend para mag-scuba diving. Nakiisa sila sa clean-up drive ng Philippine Coast Guard sa Mabini, Batangas.

“First time niyang sumama mag-scuba, gusto rin kasi niyang tumulong sa paglilinis ng dagat sa Mabini. Enjoy naman, nandoon din sina Gerald (Anderson) bilang part sila ng Coast Guard natin,” kuwento ni Jen.

Samantala, nagpasalamat naman ang TV host-actress sa lahat ng sumuporta sa digital version ng kanyang bagong album na “ULTIMATE” dahil wala pang 24 oras mula nang i-release ito online ay nag-number one na ito agad sa iTunes. Available na rin ito sa mga record bars nationwide at iba pang online store tulad ng Spotify, Deezer, Spinnr at Amazon.

After two years, saka lang natapos ni Jen ang kanyang ikaanim na album mula sa Ivory Music & Video na naglalaman ng pitong tracks with Jonathan Ong as co-writer and album producer. Kabilang na rito ang version nila ni Christian Bautista ng “Suddenly”, ang carrier single na “Hagdan”, “Magkaibang Mundo”, “Huling Paalam”, “Nakaw-Tingin” at “Bulalakaw” (featuring Silent Sanctuary).

Ayon kay Jen, hindi lahat ng kanta ay sumasalamin sa estado ng buhay niya ngayon, “Pinili namin ‘yung songs na maraming makaka-relate, bata, matanda, lalaki or girl. Hindi ito ‘yung typical love song or hugot song na napapakinggan natin palagi. So, this really different from my previous albums,” sey pa ng Kapuso star.

Para sa lahat ng fans ni Jen, maaari n’yo siyang makita up close and personal sa magaganap na album tour on Sept. 23 sa Trinoma Activity Center, 6 p.m. with special guests Sarkie Sarangay ng Silent Sanctuary at sina Zack & Fritz.

Samantala, ibinalita rin ni Jennylyn na tuloy na tuloy na ang pagbibida niya sa Pinoy version ng hit Korean series na My Love From The Star as Steffi Cheon with a new leading man. Kuwento ni Jen, may napili na ang GMA na gaganap bilang Matteo Do – isa raw itong model na wala pang experience sa acting.

Read more...