Mulawin lilipad na: Kakampi o kalaban ng mga Sang’gre?

alden richards

SA LAHAT ng mga adik sa fantaseryeng Encantadia sa GMA Telebabad, narito ang kailangan n’yong tutukan tonight.

Hahanapin ni Berto (Ryan Eigenmann) si Mila (Mikee Quintos).

Makikita ni Pirena (Glaiza de Castro) gamit ang tungkod ni Imaw ang pagliligtas ni Amihan (Kylie Padilla) sa mga bihag. Lilitaw si Pirena kung nasaan si Amihan.

Magpapaiwan si Ades (Ana Feleo) kay Amihan para mailigtas ang mas marami pang diwata. Maglalaho si Amihan at ang ibang mga bihag.

Pagbalik ni Amihan sa kuta ng mandirigma para iwan doon ang mga nailigtas na bihag, ay magtutungo siya kay Cassiopea (Solenn Heussaff). Ipapakita ni Cassiopea ang kahindik-hindik na nagaganap sa Lireo; tuluyan nang pinatay nina Hagorn (John Arcilla) ang mga natitirang bihag, pati si Ades.

Malalaman na rin ni Danaya (Sanya Lopez) na nasa mundo ng mga tao ang totoong Lira (Mikee Quintos). Magtutungo sila sa simbahan kung nasaan si Lira, ngunit ang madadatnan nila doon ay sila Berto na natakasan ni Lira. Makikipaglaban si Danaya kay Berto at mga tauhan niya.

Saka naman darating ang binatang naka-baseball cap na nagmamatiyag sa kanya noon, si Lakan (Alden Richards), at tutulungan sila.

Magtutulungan sina Danaya at Lakan para labanan sila Berto. Tatakbo paalis sila Berto. Itatanong ni Danaya kung anong pangalan ng lalaking tumulong sa kanila, ngunit hindi siya sasagutin ni Lakan. Saka babalik sina Berto, sakay ng owner, sasagasaan sila Danaya.

Biglang lalabas ang pakpak ni Lakan at ililipad pataas si Danaya. Si Lakan ay isa palang Mulawin.

Read more...