SINABI ng Department of Health (DOH) na anim na bagong kaso ng Zika virus ang naitala sa bansa.
Idinagdag ni DOH na sa kabuuan, umabot na sa siyam ang mga kaso ng Zika virus sa Pilipinas, kung saan ang mga biktima ay mula sa edad na siyam hanggang 49-anyos.
Apat sa mga pasyente ay nagmula sa Iloilo City, samantalang dalawa sa mga pasyente ay nagmula sa Cebu City at Laguna. Anim sa siyam na kaso ay mga babae, ayon sa DOH.
Sinabi ni DOH Spokesperson Eric Tayag na pawang hindi nagbihaye sa ibang bansa ang anim na bagong kaso.
“All exhibited skin rashes accompanied by joint pains, or fever or conjunctivitis, but they are expected to have recovered by this time,” sabi ni Tayag.
Iginiit naman ni Tayag na hindi inirerekomenda ng DOH na umiwas sa pagbibiyahe sa Iloilo City, kung saan mas marami kaso ang naitala.
“We have not recommended pregnant women not to visit Iloilo City. What we have recommended is for pregnant women to ask doctors any instructions regarding their pregnancy, especially those living in affected areas,” ayon kay Tayag.