Puerto Rican Olympian maglalaro muli para sa Cignal HD Spikers

MAGBABALIK ang Olympian na si Lynda Morales mula Puerto Rico para sa isa pang tour of duty sa pagsabak muli sa Cignal sa ikalawang komperensiya na 2016 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament sa susunod na buwan.

Katatapos lamang maglaro sa ginanap na Rio Olympics, magsisilbi muli si Morales para sa HD Spikers bilang pader sa depensa kasama si Laura Schaudt, na isa pag matinding 6-foot-5 open hitter mula sa Oregon State University.

Nagsagawa rin ang HD Spikers ng malalim na pagrerekruta sa mid-season sa pagkuha kay Stephanie Mercado mula sa F2 Logistics at Janine Marciano sa BaliPure habang ibabalik nito ang pinakaunang Most Valuable Player ng liga na si Venus Bernal para bubuin ang matinding kombinasyon na magpapainit sa scoreboard.

“I like the composition of my team,” sabi ni Cignal coach Sammy Acaylar, na makakasama pa rin sa koponan sina Michelle Laborte, Jheck Dionela at Cherry Vivas. “I know this is still early, but I think I can say that this is really a fighting team. Everybody is capable of bringing in big numbers from all categories.”

Gayunman, inaasahang hindi magiging madali ang laban para sa HD Spikers.

Ito ay dahil ang Foton at Petron, ang dalawang koponan na nagsagupa sa matinding kampeonato nitong nakaraang taon, ay nagpalakas din ng husto at inaasahang hindi basta-basta na lamang ipamimigay ang paglalabanang korona.

Ibabalik ng Foton sina Lindsay Stalzer at Ariel Usher kasama si Dindin Manabat para isama sa eksplosibo nitong komposisyon na binubuo nina Jaja Santiago, EJ Laure, Cherry Rondina, Angeli Araneta at Patty Orendain.

Ipaparada rin ng Tornadoes ang beteranong Italian coach na si Fabio Menta na giniyahan ang koponan sa ikapitong puwestong pagtatapos sa AVC Asian Women’s Club Championship sa Alonte Sports Arena sa Biñan City dalawang linggo lang ang nakalipas.

Nagpalakas din ang Petron sa pagkuha sa serbisyo ni middle blocker Serena Warner at open spiker Niemer, na kinukunsidera na isang eksplosibong scorer at ekspiriyensadong international campaigner matapos makapaglaro sa mga bansang France, Puerto Rico at Azerbaijan.

“I am confident that they can address our needs both on offense and on defense,” sabi ng bagong Petron coach na si Shaq Delos Santos matapos naman makuha si April Ross Hingpit mula Cignal. “We really pushed hard to acquire them because they are what we exactly need.”

Read more...