Heart kay Duterte: Mabait siya, very sweet and funny!

heart evangelista and duterte

SA WAKAS, na-meet na rin ni Heart Evangelista up close and personal si Pangulong Rodrigo Duterte, apat na buwan matapos ang isinagawang May 2016 elections.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Heart ang ilang photos nila ni Digong. Inilarawan niya ang kanilang pagkikita at pag-uusap bilang “pretty awesome.”

Nilagyan pa niya ito ng caption na “Met with the president today… We had a nice chat about my art and other things. it was pretty AWESOME.”

Naichika rin daw niya kay Presidente Duterte ang tungkol sa kanyang mga painting. Kasama ni Heart ang asawang si Sen. Chiz Escudero nang bisitahin nila si Digong sa Davao..

Kahapon, nakachika namin si Heart kasama ang iba pang miyembro ng entertainment media matapos ang kanyang contract signing sa GMA 7. Yes, pumirma na uli ng kontrata ang misis ni Chiz sa Kapuso Network at ilang proyekto na ang naka-line up para sa kanya sa mga susunod na buwan.

Dito nga naikuwento ni Heart ang pagkikita nila ni Duterte, “You know, he’s very, very kind. He’s very sweet, soft spoken. Nakakatuwa siya, he’s also funny and very gracious enough to take his time and talk to me, about my art, my painting. He’s very normal. Nu’ng una, medyo ninerbiyos ako, kasi parang it’s like meeting the President, di ba?

“He’s very casual habang nag-uusap kami, very normal. I really appreciated it. He’s also very simple which is better, because it’s less medidating given his title. It was my first time to talk to him. I saw at the SONA pero ‘yun yung una talaga na nakilala ko siya personally,” sey pa ni Heart.

Anyway, ichichika namin sa inyo next ish ang tungkol sa mga bagong proyekto ni Heart sa GMA ngayong pumirma na siya uli ng bagong kontrata sa Kapuso Network. Pero ang siniguro ni Heart tuloy ang plano niyang magbuntis next year.

Ilan nga ba ang gustong anak ni Heart? Isa, twins o triplets? Abangan!

Read more...