Alden inalay ang 8x platinum award ng album sa yumaong ina; may pasabog sa ‘Encantadia’

alden richards

Photo courtesy of GMA Records

INIALAY ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa kanyang yumaong ina ang latest award na natanggap niya mula sa Philippine Association of the Record Industry (PARI).

Isa nang 8x Platinum Awardee si Alden para sa kanyang album na “Wish I May.” Iniabot sa Kapuso heartthrob ang kanyang award sa Sunday PinaSaya ng GMA 7 nitong nagdaang Linggo.

“Lahat ng awards is a reminder of how well you’re doing, how people are inspired by what you do so parang I take it as a token because people appreciate what I do in all aspects of my career,” ang pahayag ni Alden sa panayam ng GMA.

Dagdag pa ng binata, “Sana habang buhay ko na dadalhin ang ‘Wish I May’ album…did so well. Talagang sobrang naging memorable because I never thought I will have an album na mag-e-eight times (platinum) in a lifetime. I’m very thankful talaga.”

Siyempre, hindi nakalimutan ni Alden na pasalamatan ang milyun-milyon niyang fans, at ang kanyang nanay, “To my mom, my family, of course to my management. Sobrang thankful ako sa kanila.”

Samantala, bukas na lalabas ang karakter ni Alden sa fantaseryeng Encantadia na napapanood pa rin sa GMA Telebabad after 24 Oras.

Masasaksihan na ng mga manonood si Alden bilang isang Mulawin sa katauhan ni Lakan. Ngunit palaisipan pa rin hanggang ngayon kung ano ba talaga ang magiging papel ni Lakan sa buhay ng apat na Sang’gre?

Dapat abangan kung paano niya tutulungan si Danaya (Sanya Lopez) sa isang kapahamakang mangyayari sa mundo ng mga tao pati na rin ang paglipad niya pabalik ng Encantadia kasama sina Danaya at Lira (Mikee Quintos).

Sino nga ba talaga si Lakan? Paano makakatulong sa mga Sang’gre ang kanyang pagdating para mabawi sa kamay nina Pirena (Glaiza de Castro) at Hagorn (John Arcilla) ang kaharian ng Lireo? Kilalanin ang misteryosong bumabalot sa katauhan ni Lakan sa pagpapatuloy ng Encantadia.

Read more...