Maliit na female star naging lasengga, naihi sa panty sa sobrang kalasingan

BLIND ITEM FEMALE 0429

NAKAKALOKA! Madalas makita ngayon ang isang napaka-cute na female personality sa mga bar at walang patumanggang nakikipag-inuman. Nomo kung nomo palagi ang cute na babae kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sa kaliitan niyang ‘yun ay malakas siyang uminom, at hindi basta-basta alak lang ang kanyang tinutungga, hard ang paborito ng super-cute na female personality.

Nu’ng minsang masenglot nang todo ang girl ay parang nililindol ang kanyang paligid dahil sa paekis-ekis niyang paglalakad. Para siyang bola na nagpapatalbug-talbog sa sahig.

Nakakaloka ang kuwento ng aming source, “Ano ba naman si ____ (pangalan ng super-cute na female personality)? Hindi na lang niya gamitin ang panahon niya sa pagtulog para kahit masyonda na siya, e, may pag-asa pa rin siyang lumaki!

“Nakakaloka siya! Nakikipag-inuman siya palagi, malakas siyang lumaklak, gaano kaya kalaki ang mga bituka niya para kargahin ang iniinom niya?

“Walang disiplina ang lukring na ‘yun dahil nakikipagsabayan siya sa pagnomo! At hindi beer lang ang iniinom niya, hard talaga, ganu’n pala kaselan ang panlasa niya!

“Alam n’yo bang sa sobrang kalasingan ng hitad na ‘yun, e, umiihi na siya sa underwear niya? Hindi na siguro makapagpigil ang lokah, kaya ayun, may-I-jingle na siya sa panty!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

May problema kuno sa lovelife niya ang girl. Meron daw isang lalaking nagpaniwala sa kanya na mahal na mahal siya, kung anu-anong pangako raw ang sinasabi nito, pero wala namang katotohanan ‘yun.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakaliit ng babaeng ito para hindi n’yo pa mahulaan. Maraming lalaking nagsasabing mahal siya kuno, pero nasaan na silang lahat ngayon, waley!” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...