HUMIHINGI si Pangulong Digong sa taumbayan na pahintulutan siyang patagalin ang kampanya laban sa droga ng anim na buwan pa.
Sinabi kasi ng Presidente na malulutas niya ang problema sa droga within six months of his assumption of office noong July 1.
Pangatlong buwan na ang kampanya sa droga.
Ang problema kasi ay lubhang napakalaki na hindi ito malulutas ng tatlo o anim na buwan; kailangan ay isang taon, at the very least.
So far, 3,500 people have been killed by the police and police-sanctioned vigilante groups.
Kill the pushers, save the users, ‘ika nga.
Siyempre, yung mga users na nagtutulak na ay dapat na rin mawala.
***
Masyadong naka-focus si Mano Digong sa problema sa droga at mukhang nakalimutan na niya ang ibang krimen at corruption na kanyang ipinangakong lutasin din.
Kidnapping, robbery, carnapping, gun-for-hire killing, break-in sa mga bahay at abuso ng pulis ay dapat ding bigyan ng atensiyon.
Siguro dahil itong si Director General Ronald “Bato” dela Rosa, hepe ng Philippine National Police (PNP), ay masyadong nakatutok sa droga, ang mga kaso ng pang-aabuso ng mga pulis sa sibilyan ay dumarami.
Several nights ago, tumawag ang isa kong kaibigan sa disoras ng gabi upang isumbong ang pagho-hold sa kanyang anak at mga pamangkin sa isang checkpoint sa Bacoor, Cavite ng walang dahilan.
Nakursunadahan lang sila ng mga pulis,”sinabi ng aking kaibigan.
Ang mga batang lalaki, na papunta sana sa Makati sakay ng sports utility vehicle (SUV), ay pinakawalan pagtakatapos ng ilang oras matapos sunduin sila ng aking kaibigan.
“Nagka-trauma tuloy ang anak ng mga pamangkin ko,” anang kaibigan ko.
Masuwerte yung mga bata at hindi sila plinantingan ng shabu.
Marami kasing mga reklamo ng pamamlanting na nakarating na sa “Isumbong mo kay Tulfo.”
***
Ang plano ni Mano Digong na tanggalin ang lahat ng corrupt na mga opisyal at empleyado sa gobiyerno ay hindi nag-aaplay sa Bureau of Customs kung saan ang mga kawani nito ay hapi-hapi dahil sa kurakot.
Palpak ang pamamalakad ni Nicanor Faeldon sa Bureau of Customs.
***
Kung sino man ang nagrekomenda kay Faeldon kay Presidente ay hindi naisip ang consequences.
Faeldon’s benefactor probably thought that since he’s a former military officer, he would run the graft-ridden agency ng malinis; nagkamali ang benefactor.
Si Faeldon ay parang grade II pupil na namamahala ng SM Mega mall.
***
“I’m lucky to be alive,” sabi ng Norwegian na si Kjartan Sekkingstad matapos siyang pakawalan ng Abu Sayyaf matapos ang mahigit na isang taon na nasa kamay ng mga bandido.
Mapalad si Sekkingstad dahil nagbayad ng ransom ang kanyang gobiyerno o pamilya ng ransom.
Ang dalawang kasama ni Sekkingstad na mga Puti ay pinugutan ng ulo nang ayaw magbayad ang kanilang pamilya o gobiyerno ng ransom.
Ang sinabi ng military na napilitang pakawalan ng Abu Sayyaf si Sekkingstad dahil sa intensive operations ay pawang kasinungalingan.