Joel Torre, Jericho Rosales tuhog ni Uge sa ’Babae Sa Septic Tank2’

joel eugene jericho

HINDI nagkamali si Eugene Domingo na tanggapin ang sequel ng “Babae Sa Septic Tank” bilang comeback film niya. Ito ‘yung indie movie niyang sobrang nagustuhan ng mga tao at umani rin ng awards.

Siyempre, as “Eugene Domingo” ang role ni Uge sa movie. Dito niya pinauso ang “elevator acting”, “TV Patrol acting” at marami pang iba.

Sa teaser ng movie, iba’t ibang klase ng acting ang pinakita niya lalo na ngayong uso ang mga hugot sa rom-com films. Join pa rin ang original cast na sina Kean Cipriano at Cai Cortez with Khalil Ramos.

Sa teaser, dalawang leading men ang pinagpipilian niyang makapareha – sina Joel Torre at Jericho Rosales. Mula sa direksyon ni Marlon Rivera ang “BSST2”.

Sure kami na aabangan ito ng mga Pinoy lalo na ‘yung mga nag-enjoy sa part 1.

Read more...