Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Davao del Sur Rep. Marc Douglas Cagas kaugnay ng umano’y P6 milyong ghost project noong 2008.
Dalawang kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, isang kaso ng Malversation at isang Malversation through Falsification of Public Documents ang isasampa laban kay Davao Del Sur Rep. Marc Douglas Cagas IV.
Ayon sa Ombudsman ginamit ni Cagas ang kanyang P6 milyong Priority Development Assistance Fund o pork barrel sa livelihood training at seminar na ipinatupad ng Technology Resource Center. Kinuha umano ang Farmerbusiness Development Corporation, isang non-government organization, para rito.
Sa imbestigasyon, hindi umano nakarating sa mga benepisyaryo ang training kit at gawa-gawa lamang umano ang project final report, certificates of service rendered, delivery receipts at acknowledgement receipts para palabasin na naipatupad ang proyekto.
Kakasuhan din ng Ombudsman sina Project Consultant Vanie Semillano, Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Maria Rosalinda Lacsamana, Marivic Jover, Consuelo Lilian Espiritu, Johanne Edward Labay, Arnolfo Reyes at Aileen Carrasco.
Bukod dito, si Cagas ay nahaharap din sa dalawang kaso ng Malversation at dalawnag kaso ng graft kaugnay ng maanomalya umanong paggamit bite ng P11 milyong PDAF noong 2007 hanggang 2008.
Ayon sa whistleblower na si Benhur Luy, si Cagas ay nakaranggap ng P5.5 milyong komisyon sa proyekto na ibinigay sa isa sa mga NGO ni Janet Lim Napoles.
MOST READ
LATEST STORIES