PATAY ang isang pulis matapos pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa harap ng kanyang bahay sa kahabaan ng national highway sa San Pablo, San Nicolas, Ilocos Norte, alas-7:30 kaninang umaga.
Kababalik lamang ni PO1 Perfecto Mike Joaquin, 45, sa bahay matapos ihatid ang kanyang anak na lalaki sa Bingao National High School nang siya ay pagbabarilin.
Isinugod si Joaquin sa Black Nazarene Hospital, bagamat hindi na ito umabot ng buhay.
Nakumpiska sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng caliber .45 pistol.
Nagsilbi si Joaquin sa Police Community Relations Office sa Camp Capt. Valentin S. Juan sa Laoag City bago siya inilipat sa Adams police station, ayon kay said Chief Insp. Dexter Diovic Corpuz, provincial police spokesman.
Kilalang aktibo si Joaquin sa pag-oorganisa ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.