Jericho sa bagong serye: Parang laging virgin ang feeling, nakakanerbyos!

 

NAKAKATUWA talaga si Jericho Rosales. Nang aksidente namin siyang makasalubong sa lobby ng ABS-CBN ay inamin niyang dinadaga pa rin siya kapag may bago siyang ipalalabas na TV soap.

Sa kaso nga ng serye nila ni Arci Muñoz na Magpahanggang Wakas, sinabi ni Echo na inaatake pa rin siya ng matinding kaba ngayong magsisimula na silang umere.

“Yes, I still have sleepless nights pag mga ganyan. Parang laging bago o virgin kumbaga. Naghahalo-halo ang pressure, excitement, nervousness, basta. Perp normal nq sa akin ito,” sey pa ng magaling na aktor.
Magsisimula na ang Magpahanggang Wakas ngayong gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

 

Read more...