NASAKSIHAN ni director Emman dela Cruz ang suportahan sa isa’t isa nina Alex Gonzaga at Joseph Marco sa Regal movie na “My Rebound Girl.”
“Hindi nila dinadala ‘yung pagkaartista nila sa set. Ang dinadala nila ay ang character nila. They’re very committed. Kaya nagpapasalamat ako sa director nila sa TV dahil naluto nila ang chemistry ng dalawa,” saad ni direk Emman.
Sa shooting sa Benguet lalong tumibay ang closeness nina Alex at Joseph. “That’s where they fall in love sa movie.
“Doon sila sobrang close. Inapakan ‘yung coffee beans. Parang grapes. Eh may nasama yatang higad sa lumang sako, Grabe. Buong gabi kinati ang paa nila. Magsu-shoot pa sila that night. Pero pag pinanood mo worth it,” sabi pa ng director.
Komo all out sina Alex at Joseph sa pag-promote ng “MRG”, pumapel silang barista/server sa KKK (Kanya-Kanyang Kape) coffee shop sa Maginhawa St., Q.C. na ikinagulat and at the same time, ikinatuwa ng nasilbihang costumers.